^

Probinsiya

Rider pinosasan ng traffic enforcer, tigok sa atake

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

STA. MARIA, Bulacan, Philippines — Patay ang isang lalaking rider at vendor ng banana cue matapos na posasan ng isang traffic enforcer at atakihin sa puso kamakalawa ng hapon sa Brgy. Caypombo ng bayang ito.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Police director ang biktima na si Angelito Alcantara, nasa hustong gulang habang ang traffic enforcer na si Mario Domingo alyas “Bangis” ay inaresto at naka-detine na sa Sta. Maria Municipal Jail.

Sa imbestigasyon, dakong alas-3:35 ng hapon, pauwi si Angelito Alcantara, 47-anyos, ng Km.37 Brgy, Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan kasama ang kanyang asawa na namili ng paninda sa palengke nang harangin ng traffic enforcer na si Domingo kung saan hinanap umano nito ang lisensya at rehistro ng minamanehong motorsiklo ng nasabing rider.

Una nang pumayag si Alcantara na  i-impound ang kanyang motorsiklo subalit pilit na kinukuha umano ng enforcer ang susi ng motor nito. Nang tumanggi si Alcantara at nakipagtalo ay pinosasan siya ng enforcer.

Bunsod nito’y nakiusap ang asawa ng biktima na huwag nang posasan ang kanyang asawa dahil sa may sa­kit  sa puso, pero hindi umano pinakinggan ng enforcer hanggang sa biglang atakihin sa puso ang rider na sanhi ng kanyang pagkamatay.

Naisugod pa ang ri­der sa pinakamalapit na ospital subalit idineklara na siyang dead-on-arri­val ng mga doktor.

Sinampahan na ng kasong homicide sa piskalya ang nasbaing traffic enforcer.

CAYPOMBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with