Resort sa Batangas lumabag sa health protocols, ipinasara
MANILA, Philippines — Isang resort sa San Juan, Batangas ang ipinasara matapos makitaan ng paglabag sa health at safety protocols laban sa COVID-19.
Ayon sa San Juan Municipal government, nakumpirma ng Joint Inspection Team ang umano’y paglabag ng resort na matatagpuan sa Laiya Aplaya.
Napag-alaman na 28 sa 40 turista ang walang naipakitang health certificates at nagpapasok ng mga guests na 15-anyos pababa. Wala rin umano silang referral slip na nangangahulugang hindi dumaan sa Municipal Tourism Office ang mga bisita sa resort para magsumite ng requirements.
Bukod dito, walang suot na face mask ang mga empleyado at napag-alamang expired o paso na ang Certificate of Authority to Operate ng resort.
Mahigpit ang paalala ng LGU na sumunod sa health protocols lalo’t sa datos ng Municipal Epidemiology Surveillance Unit ay limampu’t apat ang active cases ng CoViD-19.
- Latest