‘Tulak’ sa Angeles timbog sa P3.4 milyong shabu

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga, Philippines — Arestado ang isang hinihinalang tulak ng ipinagbaabwal na droga matapos na masamsaman ng nasa P3.4 mil­yong halaga ng shabu sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 3 sa Don Juico Ave., Brgy. Malabanias, Angeles City kamakalawa ng madaling araw.

Sa ulat sa tanggapan ni PDEA-3 Regional Director Christian Frivaldo, kinilala ang suspek na si Miguel Omar, binata,  35, tubong Brgy Abella, Naga City.

Ayon kay Frivaldo, sangkot si Omar sa magpapakalat ng shabu sa Angeles City at Mabalacat City.

Sa matagumpay na buy-bust, nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang nasa humigit kumulang sa 500 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P3,400,00.00, at marked money na ginamit sa ­operation

Pormal nang kinasuhan ang suspek sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments