Tserman itinumba sa Lipa City

BATANGAS, Philippines — Patay ang 68-anyos na barangay chairman matapos na tambangan at barilin sa Lipa City kahapon ng umaga.

Kinilala ng Lipa Police ang napatay na si Chairman Cesar Catibog ng Barangay Pagolingin East, Lipa City.

Ayon sa report, ka­bababa lang ni Catibog mula sa kanyang patrol vehicle sa kahabaan ng P. Torres St. nang lapitan ng gunman at paputukan bandang alas-7:40 ng umaga.

Isinugod pa si Catibog ng kanyang driver na si Joseph Surco sa NL Villa Medical Center pero ideneklara na siyang dead-on-arrival ng mga doktor.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang sus­pek sakay ng motorsiklo patungong Lipa City pro­per. 

Show comments