SK prexy itinumba sa loob ng bahay

Nakilala ang nasawi na si Renzo Matienzo, 26 anyos, at residente ng Cosme Street.
STAR/ File

LUMBAN, Laguna, Philippines — Dead-on-the spot ang isang SK Federation President ng bayang ito makaraang pa­sukin siya sa loob ng kanilang bahay sa Brgy.Maytalang at pinagbabaril ng nag-iisang gunman, kahapon.

Nakilala ang nasawi na si Renzo Matienzo, 26 anyos, at residente ng Cosme Street.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na pinasok ng nag-iisang suspek ang bahay ng biktima saka ito pinaulanan ng bala.

Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala ng baril sa kanyang ulo at katawan na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Agad naman tumakas ang salarin, na armado ng kalibre .45 na baril, na ayon sa mga testigo ay naka-suot ng bonnet at mask.

Inaalam pa rin ng pulisya ang motibo sa krimen.

Show comments