HVI timbog sa P2 milyong shabu

ANGELES CITY, Pampanga, Philippines — Na­aresto ng pinagsanib na puwersa ng Angeles City Drug Enforcement Unit at City Police Station 4 ang high value individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation sa Malabanias Road corner Josefa St., Brgy Malabanias, dito kahapon ng madaling araw.

Sa ulat sa tanggapan ni Angeles City Police Director P/ Col. Rommel Batangan, kinilala ang suspek na si Anthony Ruiz, 40-anyos, na sinasabing dati nang nahuli sa kaparehong kaso, at residente sa Northville, Brgy. Cutud, sa lungsod.

Nasamsam sa suspek ang nasa humigit kumulang sa 300 gramo ng hi­ni­­hinalang shabu na may street value na P2,040,000.00 at isang Toyota Vios na may plakang SOU-650 at buy-bust money.

Pormal nang kinasuhan ang suspek dahil sa paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

Show comments