2 dalagita nilamon ng ilog: 1 patay

TUGUEGARAO CITY , Philippines — Dalawang 15-anyos na dalagita ang tinangay ng malakas na agos ng Cagayan River na ikinamatay sa pagkalunod ng isa habang pinaghahanap pa ang kasama nito sa Gattaran, Caga­yan kamakalawa.

Sa report ng awtoridad, natagpuan na ang bangkay ni Kate Ancheta Mangabat nang kusa itong lumutang kahapon habang nawawala pa rin si Presel Mae Macassadu.

Ayon sa report nakatuwaan ng magkaibigan na kapwa grade 9 students ang lumusong sa ilog sa Barangay Casiccalan Norte upang magtampisaw nang mangyari ang insidente dakong alas 3:00 ng tanghali.

Patuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operation ng awtoridad sa nawawalang dalagita.

Show comments