13 tiklo sa pekeng travel authority

ZAMBALES , Philippines — Arestado ng pulisya ang 13 katao na sakay ng isang puting van dahil umano sa pinekeng travel documents na kanilang iprinisinta sa mga otoridad nang dumaan sa anti-criminality checkpoint ng bayang ito.

Ayon kay P/Major Ri­chard Fortaleza ng Castillejos Municipal Police Station, nagsasagawa sila ng checkpoint noong araw ng Biyernes nang dumaan ang isang Lite Ace van na sakay 13 indibiduwal na patungong Botolan, Zambales.

Nang kuwestiyunin ay napag-alaman na residente ng Angeles City ang mga biyahero at dito na nabisto ng Regional Joint Task Force CO­VID-19 Shield ang kanilang pekeng dokumento.

Ayon pa sa pulisya, labag sa Article 172 ng Revise Penal Code ang paggamit ng pekeng tra­vel authority.

Show comments