Stude huli sa panggagahasa sa pinsan

MANILA, Philippines — Matapos ang tatlong taong pagtatago sa batas, nasakote ang 20-anyos na estudyanteng akusado sa panggagahasa sa 13-anyos niyang pinsan sa ginawang pagsalakay ng mga awtoridad sa kanyang hideout sa lalawigan ng Bohol nitong Biyernes.

Kinilala ang nasakote na si Junmhar Grengia Salamanca na may kasong 5 counts of rape at walang inirekomendang piyansa ang korte kapalit ng kanyang pansamantalang kalayaan.

Batay sa report, alas-12:50 ng tanghali nang arestuhin ang suspek ng pinagsanib na elemento ng PNP Anti-Kidnapping Group-Visayas Field Unit at Guindulman Municipal Police Station sa Purok Sitio Lantay, Brgy. Lombog, Guindulman sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Samuel Biliran, presi­ding judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 50 ng Loay, Bohol.

Show comments