MANILA, Philippines (Updated 2:30 p.m.) — Pwersahan nang pinalilikas ng otoridad ang ilang residente sa lalawigan ng Batangas bilang pag-iingat sa patuloy na aktibidad Bulkang Taal, Martes.
Ayon sa ulat ng Teleradyo, Martes, inililikas na ng Philippine Coast Guard ang mga nasa Taal Volcano Island sa utos na rin ng Batangas PDRRMO kaugnay ng mga naitalang seismic activity.
Makikita sa video na ito kung paano pinalilikas ng mga otoridad ng Talisay, Batangas ang ilang residente habang pinaaalahanan ang lahat na huwag mag-panic.
Kinumpirma naman na National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang naturang pagpapalikas sa isang pahayag ngayong hapon.
"[O]n-going ang evacuation sa mga residenteng na nasa Taal volcano mismo na dapat No Man's land kaya kailangan sila palikasin. Ang mga pinapalikas ay mula sa dalawang sitio ng Municipality of Talisay," tugon ng NDRRMC sa mga reporters.
"This order is for precautionary measure done in line with the recent activities of the volcano pero hindi 'naga-alburuto' po ang Taal."
Patuloy po tayong magdasal sa ating Amang lumikha ng sanlibutan at mahal na Patrong San Guillermo. Hindi Nila tayo pababayaan. Maging handa at mapagmatyag po tayo palagi. Maraming Salamat po
Posted by Brgy Otso Talisay Batangas on Monday, February 15, 2021
forced evacuation at Taal volcano island pic.twitter.com/pKU8PtGKbX
— ReahLee (@5aehreel) February 16, 2021
Kanina lang nang sabihin ng Phivolcs na nakapagtala ang Taal Volcano Network ng 98 "tremor episodes" sa nakalipas na 24 oras, bagay na tumatagal ng lima hanggang 12 minuto.
"Activity in the Main Crater consisted of weak emission of white steam-laden plumes from fumaholes that rose 5 meters high," ayon sa state volcanologists.
"Alert Level 1 (Abnormal) is maintained over Taal Volcano. DOST-PHIVOLCS reminds the public that at Alert Level 1, suddent steam-driven or phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall and lethal accumulations or expulsions of volcanic gas can occur and threaten areas within the Taal Volcano Island (TVI)."
TAAL VOLCANO BULLETIN
16 February 2021
08:00 A.M.#TaalVolcano https://t.co/s6tp2dmlvM pic.twitter.com/F30PpXckrM— PHIVOLCS-DOST (@phivolcs_dost) February 16, 2021
Pagbabawal sa pagpasok sa Volcano Island, PDZ
Inirerekomenda ngayon ng DOST-Phivolcs ang "mahigpit na pagbabawal" sa pagpasok sa Taal Volcano Island, permanent danger zone (PDZ) ng bulkan at lalo na yaong mga lugar ng Main Crater at Daang Kastila Fissure.
Ilang netizens naman ang nagrerehistro ngayon ng kanilang pagkabahala sa inaasal ng bulkan, habang ipinagdarasal na huwag sana itong sumabog muli.
tw // volcano
taal volcano please dont im begging you please...dont erupt again please...stay calm please...— ?????? is busy???? (@chenlelelolo) February 16, 2021
Let’s all pray that Taal Volcano will remain quiet.
— Katrina (@KatriiinaPaco) February 16, 2021
TAAL VOLCANO KUMALMA KA ????
— j? || HOBIUARY •?• (@seokjinnieahh) February 16, 2021
Matatandaang nagkaroon ng marahas na pagputok ang Bulkang Taal noong Enero 2020 matapos nitong umabot sa "Alert Level 4," dahilan para ilikas ang libu-libong mamamayan ng Batangas at mga kalapit na probinsya.
Tumutukoy ang Alert Level 4 sa "hazardous explosive eruption" na posible sa loob ng ilang oras o araw.
Matatandaang umabot hanggang Metro Manila at CALABARZON ang peligrosong "ashfall" ng Bulkang Taal.