2 ‘tulak’ todas sa shootout

MALOLOS CITY , Philippines — Dalawang hinihinalang  “tulak” ng ipinagbabawal na droga ang napatay ng mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Brgy. Talampas, Bustos, Bulacan.

Isa lang sa dalawang napatay na suspek ang nakilala sa alyas na “Harly”.

Sa ulat kay P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Police director, napatay ang dalawang suspek dakong alas-4:30 ng madaling araw matapos na madiskubre nilang pulis ang kanilang ka-transaksyon sa bentahan ng droga.

Naisugod pa ng mga pulis ang dalawang suspek sa pinakamalapit na ospital, subalit idineklara ang dalawang suspek na dead-on-arrival.

Narekober sa pinangyarihan ang labing apat na plastic sachet ng shabu, dalawang Cal .38 revolver, shabu paraphernalia at buy-bust money.

Show comments