MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Nasa 12 na hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na gamot ang natimbog ng Bulacan Police sa magkakahiwalay na drug operations sa siyudad ng Meycauayan, San Jose del Monte at mga bayan ng Calumpit at Plaridel kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni P/Col Lawrence Cajipe, Bulacan Provincial Police Office director ang mga naarestong suspek na sina Mark Anthony Manansala at Lilibeth Pascual ng Brgy. Pungo, Calumpit, Bulacan; Ernesto Santiago ng Brgy. Sto. Niño, Plaridel, Bulacan; Joseph Collera ng Brgy. Lambakin, Marilao, Bulacan; Allan Medrideo ng Brgy. Abangan Sur, Marilao, Bulacan; Eric Omaga ng Brgy. Sta. Rosa 1, Marilao, Bulacan; Manuel Mañosa ng Brgy. Abacan, Malabañas, Angeles City, Pampanga; Gilbert Calderon ng Brgy. Balingon, Taguig City; Cristopher Manuguid at Marcon Yamat, kapwa ng Brgy. San Isidro, Macabebe, Pampanga; Jason Magalona at Dimple delos Reyes ng Brgy. Muzon, San Jose del Monte City, Bulacan.
Narekober sa mga suspek ang 37 plastic sachet ng shabu, drug paraphernalia at buy-bust money.