^

Probinsiya

4 minero patay, 11 sugatan sa landslide!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
4 minero patay, 11 sugatan sa landslide!
Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 7, alas-4:15 ng hapon nang mangyari ang landslide sa Carmen Copper Corporation (CCC), ang minahan na ino-operate ng Atlas Consolidated Mining Development Corporation na matatagpuan sa Brgy. Biga ng lungsod.
STAR/File

6 katao pa nawawala

MANILA, Philippines — Apat na minero ang patay, 11 ang sugatan habang anim pa ang nawawala matapos ang landslide sa isang minahan ng copper sa Toledo City, Cebu sanhi­ ng mga malalakas na pag-ulan na dulot ng bagyong Vicky nitong Lunes ng hapon.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 7, alas-4:15 ng hapon nang mangyari ang landslide sa Carmen Copper Corporation (CCC), ang minahan na ino-operate ng Atlas Consolidated Mining Development Corporation na matatagpuan sa Brgy. Biga ng lungsod.

Nasagip ang nasa 11 minerong sugatan pero tatlong bangkay ang unang naiahon ng mga rescue team ng pamahalaang lungsod at sumunod na nare­kober ang isa pang bangkay kahapon. Anim pang minero ang sini­sikap na mahanap ma­tapos matabunan ng lupa sa minahan.

Hindi pa tinukoy ng mga awtoridad ang pag­kakakilanlan ng mga biktima ng pagguho.

Nagpaabot na ang GCC ng kanilang pakikiramay sa pamilya ng mga minerong nasawi sa trahedya at tiniyak ang tulong sa kanilang naulilang pamilya.

“We would like to extend our outmost gra­titude to Private Groups and Toledo City go­vern­ment Emergency Response Team for attending valuable assistance in our search and rescue operations,” pa­hayag ng GCC.

Ang nasabing minahan ay pinakamalaki sa buong Asya bagama’t pansamantalang ipinatigil ng Atlas ang ope­rasyon nito noong 1994 dahil sa pagbagsak ng presyo ng copper. Noong 2007, muling nagbalik ang operas­yon ng minahan.

MINERO

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with