Lady pharmacist binaril ng 2 naka-bonnet

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Isang 27-anyos na babaeng licensed pharmacist ang patay makaraang barilin sa ulo ng dalawang naka-bonnet habang nag­hahapunan ang biktima sa kanilang tindahan sa Brgy. Pamaldan, dito, no­ong Martes ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Col. Barnard Dannie Dasugo, hepe ng Cabanatuan City Police, ang biktima na si Charlene Louise Lindo, 27, dalaga, isang lisensyadong pharmacist ng #640 Cabanatuan-Carmen Road, Purok Mu­lawin, Brgy. Pamaldan, Cabanatuan City.

Ayon sa ulat, alas-7:05 ng gabi habang ku­makain ng hapunan ang biktima sa unang palapag ng kanilang bahay na nagsisilbi nilang sari-sari store, ay may huminto umanong kulay itim na motorsiklong Bajaj CT100 na wala umanong plaka, lulan ang dalawang suspek.

Bumaba umano ang dalawang suspek at isa sa kanila ang bumaril sa ulo ng biktima, na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito bago sumi­bat ang dalawa patakas patungo sa direksyon ng Brgy. Cinco-Cinco ng nasabing lungsod.

Show comments