Ginagawang tulay gumuho: 2 tepok, 3 sugatan

Nagtulung-tulong ang mga rescuers sa pangunguna ng mga kagawad ng Bureau of Fire Protection (BFP) upang mahanap ang anim na treasure hunters na sinasabing nalibing nang buhay matapos ang naganap na landslide sa Marihatag, Surigao del Sur kahapon.

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang construction worker habang tatlo ang sugatan nang gumuho ang ginagawang tulay sa Brgy. Tipo, Hermosa, Bataan kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga na­­sa­wing obrero na sina Vivincio Pamisa at Marvin­ Tajores; habang ang mga sugatan ay sina Joel Pitel, John Ray Salatan at Peter Pahilan, pawang trabahador ng isang ki­lalang construction firm.

Sa imbestigas­yon­, nag-collapse ang pansamantalang suporta sa ginagawang expansion ng Jadjad Bridge na may habang 18 metro at 180 tonelada ang bigat na aksidenteng dumagan sa mga biktima sanhi ng kanilang agarang ka­ma­tayan.

Ayon kay P/Sgt. Rommel Bejarin, investigator on case, may pag-uusap na sa pagitan ng contractor ng proyekto at pamilya ng mga biktima hinggil sa mga kakaila­nganin nilang gastusin. 

Show comments