Konsehal utas sa ambush, 2 pa sugatan

COTABATO CITY , Philippines —  Patay ang konsehal sa Guindulungan, Maguindanao habang sugatan ang dalawa nitong kasama matapos silang tambangan at pagbabarilin ng ‘di kilalang armadong suspek sa highway ng nasabing bayan kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Morsid Lauban, mi­yembro ng Sangguniang Bayan ng Guindulungan.

Sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang kulay itim na Toyota pickup truck nang paulanan ng bala ng mga suspek habang papasok sa opisina at para dumalo sa flag raising ceremony dakong alas-7:00 ng umaga.

Inatasan na ni Mayor Datu Midpantao Midtimbang, Jr. ang mga pulis na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa insidente upang matukoy ang mga suspek.

Show comments