TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Malamig na bangkay na nang matagpuang lumulutang sa palaisdaan ang isang 34-anyos na biker na pinaniniwalaang nahulog sakay ng kanyang bisikleta sa Brgy. Canaoalan, Binmaley, Pangasinan kamakalawa.
Kinilala ang nasawi na si Wilbert Billones ng nasabing lugar.
Ayon sa pulisya, natagpuan ang bangkay at bisikleta ng biktima sa palaisdaan dakong alas-8:00 ng umaga. Sinasabing antok pang gumayak patungo sa kanyang trabaho si Billones nang mangyari ang pagkalunod sa pagitan ng alas-5:00 hanggang alas 6:00 ng umaga.
Isinailalim sa awtopsiya ang bangkay ng lalaki upang masigurong walang nangyaring “foul play” sa pagkamatay nito.