ZAMBOANGA, Philippines — Suspindido ng 60 araw ang Mayor ng Zamboanga Del Sur habang inaresto naman ang Vice Mayor nitong Martes.
Ito ang inilabas na kautusan ni Zamboanga Del Sur Governor Victor Yu laban kay Mayor Ruel Molina dahil sa kinakaharap na kasong administratibo.
Isinampa ang reklamo laban sa mayor noong buwan ng Hulyo.
Umaktong alkalde ngayon ang 1st councilor sa bayan ng sa Zamboanga del Sur na si Raniel Dormitorio
Samantala, inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group si Vice Mayor Allan Damas naman ng naturang ding bayan.
Dinakip si Damas sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong graft na inilabas ng korte noong July 10, 2020. Napatunayang guilty si Damas sa kasong nepotism.