Katawan ng 14-anyos nanilamon ng ilog, natagpuan na

Batay sa ulat, pasado alas-4:00 ng hapon nang marekober ang bangkay ni Mary Ann Masamayor.

NORTH COTABATO, Philippines — Matapos ang limang araw na paghahanap ng mga rescuers, natagpuan na ang bangkay ng dalagitang tinangay ng alon sa Malasila River sa Brgy. Bagontapay, Mlang, dito sa lalawigan kamakalawa.

Batay sa ulat, pasado alas-4:00 ng hapon nang marekober ang bangkay ni Mary Ann Masamayor.

Matatandaang nawala ang biktima noon pang Agosto 18 matapos mapadpad sa malalim na bahagi ng ilog kasama ang kanyang mga kaibigan.

Nagpapagaling naman ang isang kasama ng biktima na unang naisalba ng rescue team makaraan ang ilang oras na paghahanap sa kanya.

Pinasalamatan ng lokal na pamahalaan ang rescue team sa pa­ngunguna ng MDRRMC Mlang sa pamamagitan ni Jazhel Tumaob, ma­ging ang MDDRM mula sa bayan ng Tulunan, barangay officials, PNP volunteers at iba pang tumulong sa pagha­hanap sa katawan ng dalagita. 

Show comments