Magkakaanak nakuryente: 2 patay, 2 malubha
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Dalawa ang patay habang dalawa rin nilang kaanak ang nasa malubhang kalagayan matapos silang sabay-sabay na mangisay dahil sa tumamang malakas na boltahe ng kuryente sa Brgy. San. Isidro, Luna, Isabela kahapon.
Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Rodrigo Ramil, 56-anyos, at Anthony Agcaoili, 46, habang inoobserbahan sa ospital sina Leynard Agcaoli, 26, at isa pang kaanak na 17-anyos, kapwa mga residente ng Barangay Lalog 2 sa nasabing bayan.
Ayon sa report, nagtatayo ng tripod na bakal ang mga biktima na gagamitin sa paghukay ng gagawing balon nang madikit ang dulo nito sa kable ng koryente ng Isabela Electric Cooperative dakong alas-8:30 ng umaga.
Sinikap isugod ng mga sumaklolo sa hindi tinukoy na ospital ang apat kung saan idineklarang dead-on-arrival sina Ramil at nakatatandang Agcaoili.
- Latest