Estudyante todas sa tuklaw ng cobra

NORTH COTABATO, Philippines – Isang 21-anyos na college student ang nasawi matapos matuklaw ng cobra na mas kilala sa local term na (Banakon) sa Barangay Paco, Kidapawan City.

Ang nasawi ay nakilalang si Harold Jay Abrenica, 2nd year student ng University of Southern Min­danao – Kidapawan City Campus at residente ng Sitio Santa Cruz Purok Santol ng nabanggit na barangay.

Sa ulat, alas-4:00 ng hapon nitong Martes ay nagtungo sa bukid ang biktima upang kunin ang alagang kambing nang tuklawin ito ng ahas na nakatago sa damuhan.

Agad namang hinugasan ng biktima ang kaliwang paa nito na tinuklaw ng ahas at isinugod ng kaanak sa Cotabato Provincial Hospital upang turukan ng anti-venom ngunit hindi ito tumalab sa kaniyang katawan kung kaya ay napagdesis­yunan nilang dalhin ito sa Southern Philippines Medical Center o SPMC sa Davao City ngunit alas-6:00 kahapon ng umaga ay tuluyang binawian ng buhay ang biktima.

Show comments