Pulis na nakaidlip sa pagmamaneho bumangga s abotika

ILOILO CITY - Nasugatan ang isang pulis matapos bumangga ang pick-up truck nang ito ay makaidlip habang nagmamaneho kamakalawa ng gabi sa highway na sakop ng Barangay Bangga-Dama ng lungsod.

Ang biktima na nagtamo ng galos sa katawan ay kinilalang si P/Captain Norberto, nakatalaga sa Regional Mobile Force Company, Tapaz, Capiz.

Sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang puting Nissan Calibre pick-up at binabaybay ang lugar nang ito ay makaidlip at nawalan ng kontrol sa manibela dahilan para masagi ang signage ng isang gasolinahan at tuluy-tuloy na nasalpok ang  ang sangay ng  isang kilalang botika.

Nabatid na galing Iloilo City si Sipole at pauwi na ng bahay sa Balibagab-Oeste, Sta. Barbara nang maaksidente.

Masuwerteng walang tao na nabangga sa loob ng botika.

Show comments