3 paslit inararo ng AUV, 1 tigok

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines -  Nagkalasug-lasog ang murang katawan ng isang 7-anyos na babae habang patuloy na nilalapatan nang lunas sa ospital ang dalawang kapwa paslit matapos na mabangga sila ng AUV habang nakatayo sa tabi ng kalsada sa Brgy. San Jose, Pili, Camarines Sur kamakalawa.

Nasawi habang ginagamot sa Bicol Medical Center sa Naga City ang biktimang si Zera Jane Rhed Calingacion, Grade 1 pupil ng nasabing barangay habang  patuloy na inoobserbahan sa ospital ang mga kasama nitong 6-anyos, kindergarten at isang 7-anyos, Grade 1.

Arestado naman ang driver ng nakasagasang Isuzu-AUV (EBE-215) na si Ramil Diaz Cantor, 52-anyos, ng Zone-6, Brgy. San Agustin, Canaman.

Sa ulat, dakong alas-12:30 ng tanghali, habang binabagtas ng Isuzu-AUV (EBE-215) na minamaneho ni Cantor ang kahabaan ng Maharlika Highway nang mawalan umano siya ng preno.

Kinabig pakaliwa umano ng driver ang manibela pero nabangga nito ang tatlong bata na nakatayo sa tabi ng kalsada.

Show comments