3 ‘tulak’ todas sa buy-bust

Si Alvarez ay napatay sa isi­nagawang drug buy-bust sa Brgy. Tibag, Baliwag dakong alas-3:00 ng madaling araw matapos na makipagbarilan sa mga pulis.
STAR/ File

MALOLOS CITY, Bulacan. Philippines  - Tatlong pinaghihinalaang tulak ng ipinagbabawal na droga ang napatay ng mga otoridad sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Baliwag at siyudad ng San Jose del Monte, dito sa lalawigan kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, acting director ng Bulacan Police ang tatlong napatay na sina Marlon Alvarez; Jim Joshua Cordero at Erwin Mergal.

Si Alvarez ay napatay sa isi­nagawang drug buy-bust sa Brgy. Tibag, Baliwag dakong alas-3:00 ng madaling araw matapos na makipagbarilan sa mga pulis.

Narekober sa suspek ang pitong plastic sachet ng shabu, isang cal .38 revolver at buy-bust money. Napatay rin sina Cordero at Mergal alas-12:20 ng madaling araw sa kahalintulad na operasyon sa sa Brgy. Gaya-Gaya, San Jose del Monte City. Nabawi sa dalawa ang 20 plastic sachet ng shabu, isang cal.38 revolver, isang shotgun at buy-bust money. Ang mga napatay na suspek ay pawang nasa drug watchlist umano ng PNP/PDEA.

Show comments