Rider dedo, binanggang mag-iina sugatan

NORTH COTABATO, Philippines - Patay ang isang 23-anyos na rider matapos na sumalpok sa mag-iinang pedestrian na nasu­gatan din sa insidente sa national highway ng Brgy. Paraiso sa Koronadal City nitong Sabado. Kinilala ni P/Lt. Col. Joefel Siason ng Koronadal Police ang nasawi na si Noel Menor, 23, ng Brgy. Malaya, Banga, South Cotabato. Sinubukan pa ni South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Rolly Doane Aquino na i-revive si Menor sa crash site pero ideklara siyang dead-on-arrival sa ospital dahil sa matinding pinsala sa katawan.

Ginagamot naman sa ospital sina Danielle Solomon, 20-anyos at mga anak na sina Dave James, 2-anyos na akay-akay nito at ang kargang si Harper Lexie, 1-taong gulang.

Nawalan umano ng kontrol sa minamaneho nitong motorsiklo si Menor pasado alas-4:00 ng hapon matapos na maabutan at mabangga ang mag-iina habang tumatawid sa highway.

Show comments