Nanlait na biyenan, ginilitan

Ayon kay Agpalza, ginilitan ni Dingli ang bi­yenan sa leeg at tinarakan pa ng kut­silyo sa dibdib habang nanonood ito ng teleserye sa kanilang sala dakong alas-10:00 ng gabi.
STAR/ File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang bi­yenang babae matapos na gilitan at saksakin ng manugang na sorbetero dahil sa pangungutya sa pagiging mahirap at nais pa silang paghiwalayin ng kanyang misis sa Brgy. San Antonio, Aglipay, Quirino kamakalawa.

Sa report kay Captain William Agpalza, hepe ng Aglipay Police Station, naiwang bukas ang pintuan ng bahay ni Mercedes Cabatic, 54, kaya’t nakapasok ang manugang na si Rustom Dingli.

Ayon kay Agpalza, ginilitan ni Dingli ang bi­yenan sa leeg at tinarakan pa ng kut­silyo sa dibdib habang nanonood ito ng teleserye sa kanilang sala dakong alas-10:00 ng gabi.

Nagawa namang makita ng mga kasama­han sa bahay ng biktima si Dingli dahil tumunog ang dala nitong kalembang sa kanyang likurang bulsa sa kanyang pagtakas.

Nadakip ng mga awtoridad si Dingli sa isang follow-up operation at inamin ang krimen. ­Aniya, nagawa niyang patayin ang bi­yenan dahil ­inudyukan nito ang kanyang misis na hiwalayan siya dahil sa kanyang kahirapan sa buhay sa pagtitinda ng sorbetes.

Show comments