KORONADAL CITY, South Cotabato, Philippines - Ipinalibing na kahapon ng umaga ng lokal na pamahalaan ng Koronadal sa South Cotabato ang 42 na baboy na pinaghihinalaang may African Swine Fever o ASF. Ayon sa City Veterinary Office, patuloy ang ginagawa nilang pagtunton sa iba pang mga pinagdududahang baboy na may ASF sa pangunguna ng Department of Agriculture 12 at Provincial Veterinary Office ng South Cotabato kung saan target ng kanilang paghahanap ang mga litsunan sa Koronadal.
Ang mga inilibing na baboy ay pag-aari ng isang Jonathan Moreno ng Brgy. Zone IV na nabili nito sa Sulop, Davao Del Sur at dinala sa Koronadal noong Disyembre. Agad na nagsagawa ng disinfection ang local government sa lugar.