2 arestado sa pampasabog

Nang makuha na ng mga suspek ang P39,000 boodle money ay doon na sila pinosasan at nakumpiska buhat sa kanilang pag-iingat ang pitong sako ng ammonium nitrate at pitong rolyo ng blasting caps.
STAR/File

LUCENA CITY, Philippines — Bumagsak sa kamay ng batas ang dalawa katao, isa rito ay babae na hinihinalang res­ponsable sa pagpapakalat ng mga dinamita sa mga mangingisda makaraang maaresto sa inilatag na ­operasyon at makuhaan ng sako-sakong sangkap sa paggawa ng pampasabog kamakalawa ng hapon sa Purok Ilang-ilang, Brgy. Silangang Mayao.

Kinilala ni P/Lt. Col. Romulo Albacea, chief of police dito, ang mga nadakip na sina Marilou Diolata, 49, dalaga, at Harold Obciana, 40, binata at kapwa mga residente ng baybay dagat na Barangay Barra. Nakatanggap ng impormasyon si Albacea na nakatakdang magpakalat ng mga sangkap sa paggawa ng dinamita ang mga suspek kung kaya’t ikinasa ang buy-bust operation.

Nang makuha na ng mga suspek ang P39,000 boodle money ay doon na sila pinosasan at nakumpiska buhat sa kanilang pag-iingat ang pitong sako ng ammonium nitrate at pitong rolyo ng blasting caps.

Show comments