Lolo umatake ng saksak: 3 apo kritikal

a gitna ng diskusyon, bumunot ng patalim ang lolo at pinagsasaksak ang mga apo saka tumakas subalit kinalaunan ay nadakip dahil sa tulong ng mga kapitbahay.
STAR/File

LUCENA CITY, Philippines — Malubhang nasugatan ang tatlong mag-kakapatid na menor-de-edad makaraang pagsasaksakin ng sa-riling lolo na 78-anyos dahil lamang sa hinanakit sa magulang ng mga biktima kamakalawa sa Brgy. Dalahican, dito sa lungsod.

Inoobserbahan sa Quezon Medical Center (QMC) dahil sa tinamong mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktimang itinago sa mga pangalang Aida, 17-anyos; Reymart, 8, at Mark, 5.

Agad namang naaresto at sinampahan ng mga kaukulang kaso ang suspek na si Jose Catajusan Jr., biyudo at residente sa nabanggit na barangay.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Romulo Albacea, chief of police dito, bandang alas-5:00 ng hapon nang magtungo ang lolo sa bahay ng mga biktima at hinahanap ang kanilang magulang. Nang hindi makita ang pakay, doon na inilabas ng matanda ang sama ng loob nito sa mga magulang ng mga bata. Gayunman, nauwi sa pagtatalo sa pagitan ng suspek at ang panganay na apo.

Sa gitna ng diskusyon, bumunot ng patalim ang lolo at pinagsasaksak ang mga apo saka tumakas subalit kinalaunan ay nadakip dahil sa tulong ng mga kapitbahay.

Show comments