SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines — Nasa 238 bayaning sundalo ng 5th Infantry Division (5ID) ang nagpamalas ng kanilang ginintuang puso lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan matapos mag-donate ng kanilang dugo sa isinagawang bloodletting activity bilang regalo sa mga pasyenteng nanga-ngailangan nito.
Ayon kay Army Major Noriel Tayaban, ang tagapagsalita ng 5ID, umabot sa 115 bags ng dugo o may katumbas na 57,500 cc ang nakolekta sa 238 sundalo na nakabase sa nasa-bing dibisyon.
Nauna rito, pinangunahan ng 5ID ang paglagda sa isang memorandum of understan-ding (MOU) katuwang ang People’s General Hospital na nakabase sa Cagayan at Southern Isabela Medical Center sa Isabela para sa boluntaryong pagbibigay ng dugo ng mga sundalo ng 5ID na may temang “Dugong Bayani, Aming Ipinamamahagi”.
Ang kasunduan ay nilagdaan nina Major General Pablo Lorenzo, commanding general ng 5ID; Dr. Marcos Mallillin, hepe ng Hospital ng People’s General Hospital at Dr. Diwata Grace Bausa, pinuno ng Southern Isabela Medical Center Laboratory.
“The timing is right, while we are celebra-ting this special season (Christmas) we must seize the opportunity to harness the momentum to deliver our special gifts to our brothers by saving their lives through dona-ting our own blood,” ani Lorenzo.