HVT na nasa narco-list ni Duterte, timbog

MANILA, Philippines -- Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng PNP-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang isang high value target (HVT) na drug personality na nasa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isinagawang operasyon sa Iloilo City, kamakalawa.

Kinilala ni PNP-AKG Director Police Brig. Gen. Jonnel Estomo ang nasakoteng suspek na si Anwar Macadatu, 36, residente ng Brgy. Caingin, Lapaz, Iloilo City.

Dakong alas-5:30 ng umaga nang dakipin ang suspek sa Plaza Libertad, Brgy. Zamora ng lungsod.

Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Roberto Atco ng South Cotabato Regional Trial Court (RTC) Branch 26.

Ang warrant of arrest laban sa suspek ay kaugnay ng paglabag sa Republic Act (RA) 9165 na may piyan-sang P200,000.00 at Republic  Act 10591 at walang inirekomendang piyansa.

Sinabi ng opisyal na ang suspek ay nakatala bilang HVT sa narco-list ni Pangu­long Duterte na target ng drug operation noong Setyembre 2014 sa South Cotabato. Sa nasabing ope­rasyon ay nakatakas ang suspek habang isa namang pulis ang nasugatan.

Show comments