^

Probinsiya

Store owner itinumba sa harap ng tindahan

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Store owner itinumba sa harap ng tindahan
Sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan, dead-on-arrival sa Nueva Ecija Doctors Hospital sa Cabanatuan City ang biktimang si Alberto Capulong, may-asawa, at residente ng naturang lugar.
STAR/File

ALIAGA, Nueva Ecija, Philippines — Nasawi noon din ang isang 50-anyos na negos­yanteng lalaki matapos pagbabarilin ng kanyang kapitbahay habang isinasara ang kanyang sari-sari store sa Purok Hulo, Brgy. San Pablo Matanda, sa bayang ito, noong Huwe­bes ng gabi.

Sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan, dead-on-arri-val sa Nueva Ecija Doctors   Hospital sa Cabanatuan City ang biktimang si Alberto Capulong, may-asawa, at residente ng naturang lugar.

Ang suspek na kapitba­hay ng biktima ay kinilalang si Pedro Molina, na agad tumakas matapos ang pamamaril.

Ayon sa ulat, bandang alas-7:30 ng gabi noong   Huwebes isinasara ng biktima ang kanyang tindahan na nasa harap lang ng kanyang bahay nang bigla umanong dumating ang suspek na armado ng kalibre .45 pistola at saka walang sabi-sabing pinaputukan ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan na noon din ay duguang bumulagta.

Sa inisyal na imbestigas­yon, nabatid na ang suspek ay sinampahan umano ng biktima ng kasong estafa sa korte kamakailan, at ito marahil ang nag-udyok sa suspek na gawin ang pamamaslang.

Nakatakdang sampahan ng kasong murder ang suspek na pinaghahanap pa rin ngayon ng pulisya.

 

vuukle comment

DEAD ON ARRIVAL

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with