Misis tepok sa salpok ng jeep

Dead-on-the-spot ang biktimang si Ana Marie­ Macatugod, nasa hustong gulang, at re­sidente ng Woodland Subdivision Brgy. Bancal Carmona, Cavite.
BusinessWorld/File

CAVITE, Philippines — Nasawi ang isang ginang matapos salpukin ng isang pampasaherong jeep habang tumatawid sa kalsada sa Carmona, sa lalawigang ito, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Ana Marie­ Macatugod, nasa hustong gulang, at re­sidente ng Woodland Subdivision Brgy. Bancal Carmona, Cavite.

Hawak naman ng pu­lisya ng driver ng jeep na si Roberto Purifica­cion, nasa hustong gulang, residente ng Bayungan Brgy. Kaong Carmona, Cavite .

Sa ulat ng pulisya, alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente, kakababa lamang ng biktima sa sinakyan nitong jeep at dumiretso na ito patawid at hindi nito napansin ang paparating na pampasahe­rong jeep na may plate number DWD 247 kung kaya tuluy-tuloy itong na­salpok.

Tumilapon ang biktima na nagtamao ng ma­tinding pinsala sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng katawan na nagresulta sa pagkamatay nito.

Agad namang na­aresto ng pulisya ang dri­ver at sinampahan na ng kaukulang kaso.

Show comments