Bebot na rider durog sa bus

Nagkalasug-lasog ang katawan ng biktimang si Stephanie Mendez Santillan, nasa hustong gulang, at residente ng Brgy. San Roque habang sumuko naman sa mga rumes­pondeng pulis ang driver ng bus na si Joe­lito Baracina Lopez.
STAR/File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang dalagang ri­der matapos tumbukin ng isang bus sa panulukan ng Peñaranda St. at Calle Siping sa Brgy. Bonot, Legazpi, ng lalawigang ito noong Miyerkules ng gabi.

Nagkalasug-lasog ang katawan ng biktimang si Stephanie Mendez Santillan, nasa hustong gulang, at residente ng Brgy. San Roque habang sumuko naman sa mga rumes­pondeng pulis ang driver ng bus na si Joe­lito Baracina Lopez.

Sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi mula sa Peñaranda St., parehong paliko papasok ng Calle Siping patungong Brgy. San Roque ang mo­torsiklo ni Santillan at Peñafrancia Bus (ABL-4050) na minamaneho ni Lopez nang aksidenteng nabangga nito ang motorsiklo ng biktima.

Hindi agad nakapag-preno si Lopez dahilan para pumailalim pa ang biktima sa bus. Agad sumaklolo ang ambulansya ng Emergency Quick Response Team ng Legazpi pero inabutang wala nang buhay ang biktima.

Show comments