Legazpi City, Albay , Philippines — Patay ang isang 50-anyos na mangingisda matapos na pagsasaksakin ng nakababatang kapatid makaraang mag-away sa gitna ng kanilang inuman sa Brgy. Dariao, Caramoran, Catanduanes kamakalawa ng gabi.
Isinugod ng kanilang mga kaanak sa Pandan District Hospital pero idineklarang dead-on-arrival si Marino Talion Antonio habang inaresto ng mga rumespondeng pulis ang suspek na si Alex Talion Antonio, 39; kapwa residente ng nasabing barangay. Dakong alas-9:10 ng gabi, masaya pang nag-iinuman ang magkapatid at ilang kaibigan sa bahay ng isang Arly Eusebio nang magkaroon ng pagtatalo ang dalawa. Naawat pa umano ang magkapatid at napaghiwalay pero umuwi ang nakababata at kumuha ng patalim.
Pagbalik sa laklakan ay agad inundayan ng sunud-sunod na saksak ang kuya na duguang humandusay.