^

Probinsiya

Hepe ng pulisya, 2 pang tauhan ‘guilty’

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Hepe ng pulisya, 2 pang tauhan âguiltyâ
Sa desisyon na nilagdaan ni dating Calabarzon (PRO4-A) chief P/Brig. Gen. Eduard Carranza, noong Oktubre 17, 2019 at inilabas kamakalawa, bukod sa kasong admi­nistratibo ay tuluyan na ring sinibak sa roster o pamunuan ng PNP sina P/Lt. Col. Mark Anthony Laygo, P/Cpl. Lonald Sumalpong at Pat. Ro­bert Legaspi.
File

Sa pagkamatay ng anak ng meyor

TAYABAS CITY , Philippines — Hinatulang guilty sa kasong administratibo o 2 counts of grave misconduct ng pamunuan ng PNP ang dating chief of police ng lungsod na ito at dalawang tauhan dahil sa pagkakasangkot sa pagpatay sa anak ng Sariaya, Quezon mayor at kaibigan nito, may anim na buwan na ang nakalilipas.

Sa desisyon na nilagdaan ni dating Calabarzon (PRO4-A) chief P/Brig. Gen. Eduard Carranza, noong Oktubre 17, 2019 at inilabas kamakalawa, bukod sa kasong admi­nistratibo ay tuluyan na ring sinibak sa roster o pamunuan ng PNP sina P/Lt. Col. Mark Anthony Laygo, P/Cpl. Lonald Sumalpong at Pat. Ro­bert Legaspi.

Inabsuwelto naman ang 9 pang miyembro ng Tayabas City Police dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya na sangkot sila sa pamamaslang kina Christian Gayeta, anak ni Sariaya Quezon Mayor Marcelo Gayeta at isang Christopher Manalo.

Magugunita na noong Marso 2019,  napaslang sa shootout ang dalawang biktima matapos diumano’y manghol­dap ng isang gasoline attendant. Makalipas ang dalawang araw, natuklasang walang naganap na holdapan at inginuso na rin ng ilang pulis ang kanilang hepe sa scripted na pangyayari upang umano’y magkaroon ng malaking accomplishments.

HEPE

PULIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with