Rides sa amusement park bumagsak: 6 sugatan

Patuloy na nagpapaga­ling sa Bicol Regional Trai-ning and Teaching Hospi­tal ang mga biktimang sina Jes­ter Kurt Badong, 6-anyos; Jasmine Maud, 8; Ma­teth Lopez, 59, pawang resi­den-te ng Brgy. Rawis; Angye­ta Balong, 40; Monica Herre­ra, 22, at Jeric Conde,12, mga taga-Brgy. Taysan sa Legaz­pi City.
File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Anim katao kabilang tatlong bata ang sugatang isinugod sa ospital matapos na bumagsak ang sinasakyan nilang spinning-swinging rides sa carnival ng isang mall sa Landco Business Park, Brgy. Capantawan sa lungsod na ito noong Sabado ng gabi.

Patuloy na nagpapaga­ling sa Bicol Regional Trai-ning and Teaching Hospi­tal ang mga biktimang sina Jes­ter Kurt Badong, 6-anyos; Jasmine Maud, 8; Ma­teth  Lopez, 59, pawang resi­den-te ng Brgy. Rawis; Angye­ta Balong, 40; Monica Herre­ra, 22, at Jeric Conde,12, mga taga-Brgy. Taysan sa Legaz­pi City.

Sa ulat ng pulisya, alas-9:10 ng gabi habang lulan ng nasabing rides at nagkakasayahan ang mga biktima nang masira ang kanilang sinasakyan na spinning swing at biglang bumagsak ito sa lupa.

Agad na nagresponde ang Emergency Rescue Unit ng lungsod at isinugod ang mga biktima sa ospital.

Dahil sa insidente, agad ipinasara ng lokal na pamahalaan ang naturang amusement park habang iniimbestigsahan pa ang insidente.

Show comments