Plastik bawal na sa Cotabato City

Ayon kay Saavedra, bawal na ring gumamit ng plastic bags bilang lalagyan ng mga pinamiling grocery items at iba pang mga produktong meron nang primary packaging o dati nang nakabalot.
File

NORTH COTABATO, Philippines – Bawal na simula kahapon sa Cotabato City ang paggamit ng plastic bilang secondary packaging sa mga bibilhing produkto alinsunod sa inaprubahang ordinansa ng lungsod.

Ito ayon kay Cotabato City-Community Environment and Natural Resources Officer Boyet Saavedra na simula bukas ay maglilibot na sa buong lungsod ang 20 trained personnel para tiyaking ipinatutupad ang City Ordinance 4203.

Sa kabila nito, nilinaw ni Saavedra na pinapayagan lamang ang paggamit ng plastic bags bilang primary ­pac­kaging ng mga bibilhing produkto sa palengke gaya ng mga karne at gulay. Pero aniya, hindi na ito maaari pang ilagay sa isa pang plastic bag bilang pangalawang pambalot.

Ayon kay Saavedra, bawal na ring gumamit ng plastic bags bilang lalagyan ng mga pinamiling grocery items at iba pang mga produktong meron nang primary packaging o dati nang nakabalot.

Sa unang taon ng implementasyon ng ordinansa, tatlong araw sa loob ng isang linggo ay maaari pang gumamit ng plastic habang sa ika-2 taon, isang araw na lamang maaaring gumamit at sa ikatlong taon ay “total ban” o buong linggo nang ipagbabawal ang paggamit ng plastic. 

Show comments