^

Probinsiya

Buwis batay sa GIE ibinasura ng Kamara

Pilipino Star Ngayon
Buwis batay sa GIE ibinasura ng Kamara

MANILA, Philippines — Inaasahang mawawala na ang sistema sa pagbubuwis sa ‘gross income earned’ kapag naisabatas na ang panukalang ‘Corporate Income Tax and Incentives Rationalization Act (CITIRA o HB 4157) na ipinasa ng Kamara kamakailan sa botong 170, kumpara sa walaong kontra at anim na hindi bumoto.

Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, House Ways and Means Committee chair at isa sa pangunahing may-akda ng HB 4157, “ang GIE ang nanay ng mga abusadong ‘transfer pricing’ na dahilan ng pagkawala ng P296 bilyong dapat binayarang buwis sa pamahalaan sa nakaraan.”

Ang CITIRA ang buod at ikalawang ‘package’ ng ‘Comprehensive Tax Reform Program’ ng administrasyon.

Inaalis ng CITIRA ang panghabang-buhay na 5% buwis sa GIE at inaamuki ang mga mamumuhunan at ‘foreign locators’ na mag-aplay sila sa pagpapa­haba sa lima hanggang pitong taong taning ng kanilang mga insentibo, kung nasusunod nila ang mga panun­tunan ng programa. Pananatilihin pa rin ang kasalukuyang mga insentibo nila sa loob ng limang taon.

CORPORATE INCOME TAX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with