^

Probinsiya

67-anyos itinumba sa harap ng anak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 67-anyos na senior citizen sa harapan ng anak nitong babae ng riding-in-tandem sa harap ng kanilang tahanan sa KM 58, National Highway, Brgy. Isaub, Aborlan, Palawan kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Mabini Cesar, biyudo at residente ng Brgy. Isabub, Aborlan, Palawan na agad na nasawi sa insidente dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay P/Lt. Col. Socrates Faltado, spokesperson ng Mimaropa Police, alas-4 ng hapon, kararating lamang ng biktima lulan ng motorsiklo at paparada na sana sa harapan ng kanilang tahanan nang big­lang sumulpot ang mga salarin na nakasuot ng kulay itim na helmet na armado ng cal 9mm.

Sinabi ni Gina Puyawan Cesar, anak ng biktima, bigla na lamang pinagbabaril ng mga suspek ang kanyang ama na duguang tumilapon sa motorsiklo at bumagsak sa kanang bahagi sa tabi ng kalsada.

 Bago tuluyang tumakas, muling pinagbabaril ng mga suspek ang biktima upang tiyaking hindi na mabubuhay pa.

 Nagawa pang maisugod ang biktima sa Aborlan Medicare Hospital pero nabigo nang maisalba ang kanyang buhay.

Narekober ng mga nag­respondeng pulis ang mga basyo ng bala ng cal. 9mm sa crime scene.

PATAY

PINAGBABARIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with