^

Probinsiya

Multicab hulog sa bangin: 2 patay, 11 sugatan

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

Ekskursyon ng mga estudyante

MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang masaya sanang ekskursyon ng mga estudyante matapos na masawi ang dalawa sa kanila kabilang ang 7-anyos habang 11 pa ang sugatan nang mawalan ng preno ang kanilang sinasakyang multicab at mahulog sa bangin sa Sitio Babancao, Brgy. Paril, Kalamansig, Sultan Kudarat kamakalawa.

Kinilala ng Kalamansig Police ang mga nasawi na sina Jamil Ampatuan Guiampaca, 20-anyos, estudyante at batang si Naif Pagatan Etto dahil sa inabot na ma-tinding pinsala sa katawan.

Nilalapatan naman ng lunas ang mga sugatan na karamihan ay mga mga estudyante na sina Nasrudin Usop Rajamuda, 17-anyos, Jehan Salik Kusain, 17; Henry Sandang Abdul, 15; Jojo Guiampaca Gandawali, 19; Olsen Balbaran, 15; Wahida Usop Rajamuda; Alan Guiampaca, 41, may asawa, driver; Datumanot Usop Rajamuda, 17; fish vendor; Gina Gandawali Manise 14; Faisal Guiampaca Esmael, 24 at Alicia Gandawali, 18.

Alas-2:25 ng hapon, habang sakay ang mga biktima ng kulay green na pampasahe­rong Bongo Mazda (MAA 4365) mula Cotabato City patungong Balut Island na minamaneho ni Sammy Sedik Alimao, 37, nang mawalan ng preno ang sasakyan at dire-diretsong nahulog sa matarik na bahagi ng gilid ng daan.

Agad na sumaklolo ang mga rescue volunteers ng Kalamansig MDRRMO at isinugod sa Sultan Kudarat District Hospital ang mga sugatan bago inilipat sa Cotabato Regional and Medical Center. Gemma Garcia

 

MULTICAB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with