4 patay sa tigdas sa Cordillera
939 pang iba apektado
MANILA, Philippines – Apat na katao ang naitalang nasawi habang lumobo naman sa 939 ang bilang ng tinamaan ng sakit na tigdas sa buong Cordillera Administrative Region (CAR) na binubuo ng mga lalawigan ng Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province kabilang ang Baguio City.
Ayon sa ulat ng Department of Health-Cordillera naitala ang pinakamataas na bilang ng mga nagkakasakit ng tigdas sa lalawigan ng Benguet habang naitala naman ang pinakamaliit na bilang sa lalawigan ng Kalinga.
Ayon kay DOH-CAR senior health officer Karen Lonogan mula buwan ng Enero 1, 2019 hanggang nitong buwan ng Agosto ay nakapagtala ang ahensya ng 939 katao na tinamaan ng tigdas na may 967% ang itinaas kumapara sa 88 lamang na kaso sa kaparehong buwan noong 2018.
Lumalabas na naitala rin ang pinakamaraming bilang ng mga tinamaan ng tigdas mula Enero hanggang Abril at bumaba naman simula nitong Mayo hanggang Agosto dahil na rin sa puspusan na panawagan at pagbibigay ng gabay ng DOH sa publiko.
Nabatid naman na ang kaso ng tigdas ay tumaas sa buong bansa ngayong 2019.
- Latest