^

Probinsiya

Dalaga kinatay sa CR, ina agaw-buhay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mistulang kinatay na hayop ang sinapit ng isang 17-anyos na dalaga habang nakikipag-agawan naman ng buhay kay Kamatayan ang ina nito matapos silang ataduhin ng taga ng lasing na live-in partner ng ginang naganap sa Brgy. Bagong Silang, Brgy. Caridad, Ibaba, Atimonan, Quezon, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawing dalaga ay si Regine Asis Regis, natagpuang tadtad ng taga ang hubo’t hubad na bangkay nito sa loob ng comfort room sa kanilang tahanan.

Agaw-buhay naman ang ina ni Regina na si Susan Toca Retis , 47, na nakabaon pa ang itak sa may batok nang isugod sa Doña Martha Memorial District Hospital.

Tugis naman ng mga pulis ang suspek na si Meomeo Salomeri na mabilis na tumakas matapos isagawa ang krimen.

Sa ulat ng Quezon Police, dakong alas-6:00 ng gabi nang magdabog umano ang dalaga dahil sa pakikipag-inuman ng suspek sa mga kaibigan nito sa terasa ng kanilang tahanan kung saan nairita ang suspek nang mainsulto dahil sa iniwan umano ito ng kanyang mga kainuman.

Dito ay agad na pinasok ng suspek ang dalaga sa CR at walang awang pinagtataga gamit ang isang itak hanggang sa mapatay ito at pagkatapos ay tila hindi pa nakuntento kaya lumabas ito ng bahay at sunod namang pinagtataga ang ginang na noo’y nasa ‘di kalayuan at nakikipagkuwentuhan sa kapitbahay kung saan nabaon pa sa batok nito ang dulo ng itak.

Ang suspek ay mabilis na tumakas matapos ang insidente patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Inaalam naman kung sinalbahe o ginahasa ng suspek ang dalaga habang patuloy ang imbestigasyon sa kasong ito.

vuukle comment

DALAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with