Nueva Vizcaya pinaboran ng korte vs open-pit mines
BAGUIO CITY , Philippines — Ibinasura ng korte ang petisyon ng mining giant na OceanaGold Philippines Incorporated (OGPI), isang foreign mining firm, na humihiling na ipatigil ang cease and desist order (CDO) ng Nueva Vizcaya at Kasibu town governments sa Didipio open-pit mines.
Sa inilabas na desisyon kahapon ni Judge Paul Attolba Jr. ng Regional Trial Court Branch 30, sinabing walang sapat na ebidensya na sumusuporta na awtorisado ang OceanaGold na ipagpatuloy ang mining operations nito sa lugar habang nakabinbin ang renewal ng kanilang Financial or Technical Assistance Agreement (FTAA) na napaso noong Hunyo 20.
“There is no sufficient evidence on record to support that OGPI is indeed authorized to continue mining operations pending the renewal of the President of the FTAA which would establish an unmistakable right to warrant the issuance of an injunctive relief,” ayon sa korte.
Magugunita na binigyan ng permiso ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang OGPI noong Hunyo 20 na ipagpatuloy ang kanilang open-pit mi-ning operations. Ang pagpapatuloy ng operasyon ng nasabing minahan ay kinondena ng mga residente at anti-mining groups kabilang ang Task Force on Indigenous Peoples (TFIP) dahil sa umano’y nakasisira ito sa kalikasan, kabuhayan, kalusugan at lumalabag sa karapatang pantao.
- Latest