Brodkaster arestado sa estafa
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines –Isang radio announcer na nagpapakilala umanong pastor ng Missionary Baptist Church ang dinakip ng mga otoridad matapos silbihan ng warrant of arrest ng Southern Leyte Police dahil sa kasong two-counts ng estafa sa kanyang mismong sariling FM-Station sa Brgy. Ubaliw sa bayan ng Polangui, Albay, kahapon ng umaga.
Kinilala ang suspek sa tunay na pangalang Teddy Alcatas Balagan, 42-anyos na itinuturing na no.10 sa most wanted person dahil sa kasong two-counts ng estafa sa bayan ng Hinunangan, Southern Leyte. Si Balagan ay nagtago at nagpakilalang Xirwyn “Pastor” Yap, announcer at may-ari ng Best 105 FM Station sa bayan ng Polangui sa matagal na panahon.
Bitbit ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Francisco Furay Jr., ng Hinunangan 6th Municipal Circuit Trial Court at sa tulong ng Polangui Police ay inaresto ng mga kasapi ng Southern Leyte Police si Balagan matapos itong magprograma sa radyo dakong alas-7:00 ng umaga sa loob mismo ng kanyang istasyon.
Hindi na nakapalag ang suspek nang basahin sa kanya ng mga pulis ang warrant of arrest mula sa korte sa kasong kanyang kinasangkutan. Joy Cantos
- Latest