TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dalawang lineman ng Ilocos Norte Electric Cooperative (INEC) ang nasawi matapos mangisay habang inaayos ang linya ng kuryente sa Barangay 12, San Cayetano, San Nicholas, Ilocos Norte noong Sabado.
Kinilala ng pulisya ang mga namatay na sina Talio Portela, 44, at Marcon Domion, 34, na isinugod sa magkahiwalay na ospital sa Laoag City matapos makuryente habang sinisiyasat nila ang sanhi ng brownout sa linya ng kuryente dakong alas-6:30 ng gabi. Idineklarang dead-on-arrival ang dalawa sa ospital.