CAVITE , Philippines — Arestado ang dalawang umano’y miyembro ng bigtime drug syndicate sa buy-bust operation na ikinasa ng pulisya sa Brgy. Paradahan 1, Tanza, ng lalawigan.
Kinilala ng Tanza Police ang mga suspek na sina Carlito Casuelo at Mark Delos Santos, mga residente ng nasabing lugar.
Sakay pa ng isang kotse ang dalawang suspek nang masabat ng pulisya habang isinasagawa ang buy-bust. Nakuha sa kanilang pag-iingat ang may 50 gramo mg shabu at drug money.
Sinabi ni P/Sr. Supt William Segun, director ng Cavite Provincial Police, na ang dalawang suspek na kumikilos sa lalawigan ng Cavite ay ang nagsu-supply ng droga sa mga tulak at ang lungsod ng Dasmariñas ang may pinakamalaki nilang binabagsakan.
Ang suspek na si Casuelo ay may mga nakabinbing kasong pagpatay at tangkang pagpatay.