^

Probinsiya

Bulacan drug ops: 1 patay, 5 arestado

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Bulacan drug ops: 1 patay, 5 arestado

Malolos City, Bulacan , Philippines  —   Napatay ng mga operatiba ng Bulacan Police ang isang pinaghihinalaang tulak ng droga, samantalang limang drug suspects ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan kamakalawa ng madaling araw.

Napatay sa siyudad ng San Jose del Monte si Jerry Corpuz alias Daga, kabilang sa PDEA drug watchlist matapos na umano’y makipagpalitan ng putok sa mga pulis matapos na matunugan na isa palang alagad ng batas ang kanyang katransaksyon sa bentahan ng droga.

Natodas ang suspek sa loob mismo ng kanyang bahay sa Blk. 10, Lot 26, Phase 1, San Jose Heights, Brgy. Muzon, San Jose del Monte matapos na dito magtago habang siya ay hinahabol ng mga pulis.

Narekober sa napatay na suspek ang 11 plastic sachet ng shabu, 1 cal. 38 revolver, iba’t ibang shabu paraphernalia at buy-bust money.

Samantala, 5 pang umano’y drug pushers ang naaresto ng mga pulis sa magkakahiwalay na operasyon sa Malolos at San Jose del Monte.

Kinilala ni P/Sr. Supt. Chito Bersaluna, Bulacan Police director ang mga naarestong suspek na sina Alfredo Carpio, 48; Michael Inocencio, 32; Jasper Dela Cruz, 19; Arlene Alipante, 28 at Gemmalyn Ilog, 41.

Naaresto ang mga suspek sa inilatag na buy-bust operation ng San Jose del Monte Police. Narekober sa kanila ang 12 plastic sachet ng shabu, 2 plastic sachet ng marijuana at buy-bust money.

DRUG SUSPECTS

DRUG WATCHLIST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with