Ammonia tank sumabog: 1 dedo, 2 sugatan

MANILA, Philippines — Isang 19-anyos ang patay habang dalawa pa ang sugatan matapos na sumabog ang isang tangke ng ammonia sa loob ng isang planta ng yelo sa Brgy. Tuburan, Pagadian City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa  Aisah Hospital ang biktima na si Jelmar Montesa Bulay, 19, ng Brgy. Bubuan, Bayog, Zam­boanga del Sur habang ginagamot ang mga kasamahang sina Brinton Wasawas, 29, stay-in machine operator at Alberto Singedas, 60 an­yos, harvester operator, matapos na magtamo ng mga sugat sa katawan at pagkahilo.

Sa imbestigasyon, dakong alas-6 ng gabi nang magkaroon ng ammonia leak sa Ramona Fishing Corp. sa Rizal Avenue, Tuburan District, Pagadian Zamboanga del Sur.

Kaagad namang  rumesponde sa lugar ang mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) at PNP Bomb Squad  matapos na mabatid ang nasabing insidente.

Show comments