Babaeng driver utas sa bangga
MANILA, Philippines — Isang babaeng driver ng SUV ang nasawi matapos na sumalpok ang kanyang minamaneho sa isang van kamakalawa ng tanghali sa Barangay Dukay, Esperanza,Sultan Kudarat.
Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa ospital ay kinilalang si Trisha Manansala, nasa hustong gulang.
Nasugatan naman sina Paul Solivio, driver ng Grandia van (OX-7335) at Jesusima Solivio, kawani ng DPWH.
Batay sa ulat, alas-12:30 ng tanghali ay kasagsagan ng buhos ng ulan ay kapwa bumabagtas ang van at Mitsubishi Mirage (B2-P711) na minamaneho ni Manansala patungong Isulan, Sultan Kudarat nang kapwa sila nag-overtake sa magkabilang lanes sa national highway.
Dahil sa madulas ang kalsada ay hindi kinaya ang preno ng dalawang sasakyan at nagsalpukan.
Dinala ang mga biktima sa pagamutan, subalit namatay si Manansala.
- Latest